Term extension ng local elected officials hindi pakikinabangan ng mga incumbent

Nilinaw ni incoming House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi makikinabang ang mga kasalukuyang nakaupong mga opisyal na pamahalaan sa kanyang isinusulong na term limits.

Ayon kay Cayetano, ang term extension ay para sa mga susunod na halal na opisyal at hindi sa mga incumbent official.

Inihalimbawa nito ang tatlong taong termino ng mga kongresista na aniya’y kulang para makapagpasa ng mga mahahalagang batas para sa bansa dahilan kaya walang natatapos at walang sustainability para sa mga mahahalagang programa.

Malinaw anya ang hatian ng termino nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na 15 buwan sa kanya sa unang termino at 21 buwan naman sa natitirang termino para sa susunod na speaker.

Dahil isinusulong din ang Federalismo kaya hinihikayat din ni Cayetano ang Senado na palawigin ang termino sa apat na taon na walang term limit o kaya ay limang taon sa tatlong termino para sa mga mambabatas dahil ito ang nakikitang praktikal na paraan para sa pagtutuloy ng mga proyekto at mga programa sa bansa.

Read more...