3 patay matapos hindi huminto sa checkpoint sa Abra

Patay ang tatlong hindi pa nakikilalang lalaki nang maka-engkwentro ng pulis sa Bangued, Abra.

Ayon kay Police Col. Alfredo Dangani, Abra police provincial director, nangyari ang insidente sa Zone 7, Barangay Angad, Huwebes (July 11) ng madaling araw.

Sakay ng tricycle ay hindi umano huminto ang tatlo sa checkpoint nang pinara sila ng pulis para sana isailalim sa inspeksyon.

Agad hinabol ng mga pulis ang humarurot na tricycle pero pinaputukan sila ng baril ng mga ito.

Doon na nauwi sa engkwentro ang insidente na ikinasawi ng tatlong suspek.

Inaalam pa kung ano ang pagkakakilanlan ng tatlo.

Read more...