Apat arestado sa buy-bust sa Talisay City, Cebu

Arestado ang apat na katao kabilang ang isang barangay tanod sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Talisay City, Cebu.

Ayon kay Police Captain Nazario Emia, target ng operasyon si Eunice Fajardo, na kilalang nagtitinda ng native delicacies pero suma-sideline sa pagtutulak ng shabu.

Ayon kay Emia, naghinala ang mga kapitbahay ng suspek kaya nagsumbong ang mga ito sa otoridad.

Maliban kay Emia, nadakip din ang tatong iba pa kabilang si Francisco Luage na barangay tanod sa Barangay Lawaan 3.

Ang dalawang iba pang naaresto ay kinilalang sina Maria Flory Mahinay at Christian Deparine.

Nakumpiska sa mga suspek ang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P108,800.

Read more...