Buhay ng mga Filipino umangat noong nagdaang taon ayon sa Malakanyang

Ibinida ng Malakanyang na umangat ang buhay ng mga Filipino sa huling tatlong taon.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, mapatutunayan ito sa pamamagitan ng mga naglalabasang economic numbers.

Sa Pre-SONA kahapon (July 10) sa Cebu, sinabi ni Nograles na anim na porsyento ang inilalago ng ekonomiya kada taon.

Nabawasan din aniya ang antas ng kahirapan sa first half ng 2018 na nasa 21 percent na lamang mula sa 27 percent noong 2015 habang ang self-rated poverty ay bumagsak din sa all-time low na 38 percent.

Bagaman gumaganda na aniya ang kalagayan ng buhay ng mga Filipino, patuloy pa rin na magsusumikap ang administrasyon para mabigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat isa.

Kailangan aniyang masiguro na walang maiiwan na Filipino sa pag angat sa buhay dahil isesentro ng gobyerno ang atensiyon sa mga programang may kaugnayan sa “Malasakit Program”.

Read more...