Unang 4 na pelikula na pasok sa 2019 MMFF inanunsyo na

Inianunsyo na ang unang apat na pelikula na kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

Inihayag ito sa press conference sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nanguna sa pagpili ng mga pelikula ang Metro Manila Film Festival Executive Committee (MMFF Execom) sa pangunguna nina MMDA chair Danny Lim, Sen. Bong Go and Laguna Rep. Dan Fernandez sa rekomendasyon ng kanilang Selection Committee base naman sa isinumiteng script para sa nasabing mga pelikula.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

1. (K) Ampon, starring Derek Ramsay at Kris Aquino (Quantum Films)

2. Miracle in Cell No. 7, starring Aga Muhlach at Nadine Lustre (VIVA Films)

3. Mission Unstapabol: The Don Identity, starring Vic Sotto at Maine Mendoza (APT Entertainment, Inc., ZET Productions)

4. Momalland, starring Vice Ganda at Anne Curtis (ABS-CBN Film Productions and VIVA Films)

Read more...