Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang pag-iral ng yellow alert ay mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon ngayong araw (July 11).
Mayroong available capacity ng kuryente sa Luzon na 11,281MW habang aabot sa 10,726MW ang peak demand.
Bagaman hindi ito magdudulot ng brownout ay pinapayuhan ang publiko na magtipid-tipid sa paggamit ng kuryente.
MOST READ
LATEST STORIES