16 nasawi sa pag-atake sa Papua New Guinea

Patay ang 16 na katao na pawang kababaihan at kabataan sa pag-atake na naganap sa Papua New Guinea.

Kabilang din sa nasawi ang dalawang babaeng buntis sa pag-atake sa Hela Province.

Ayon kay Police Commissioner Francis Tokuro, isang barbaric act ang nangyari.

Sa ngayon blangko pa ang mga otoridad sa motibo ng mga suspek, pero tiniyak ni Hela Province Gov. Philip Undialu na mananagot ang nasa likod ng krimen.

Read more...