Bohol at Masbate niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 7 kilometers Southeast ng bayan ng Pio V. Corpuz (Limbuhan), alas-12:58 ng madaling araw ng Biyerne (July 11) at may lalim na 1 kilometer.

Samantala, niyanig naman ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Bohol.

Naitala ang pagyanig sa 6 kilometers Northwest ng bayan ng Carmen, alas-5:33 ng umaga at may lalim na 25 kilometers.

Tectonic ang origin ng dalawang pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...