Antas ng tubig sa Angat dam, balik na muli sa ‘below critical level’

Bumagsak muli sa ‘below critical level’ ang antas ng tubig sa Angat dam.

Alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes (July 11) nasa 159.93 meters ang antas ng tubig sa Angat.

Mababa na ito sa 160-meter na critical level ng dam.

Ang La Mesa dam naman ay nasa 72.16 meters ang water level ngayong umaga.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng iba pang mga dam sa Luzon gaya ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya.

Habang bahagya lang nadagdagan ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 99.40 meters ang level.

Read more...