
Ayon sa anti-crime volunteers ng Quezon City nadinig ang pagsabog alas 12:40 ng madaling araw ng Huwebes (July 11).
Sa inisyal na ulat, isang lalaking naka-itim na t-shirt at maong pants ang nakitang may hinagis sa harapan ng restaurant.
Wala namang nasaktan sa insidente.
Agad namang pinawi ng Quezon City Police District (QCPD) ang pangambang may kaugnayan sa terorismo ang pangyayari.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at kinakausap na ng mga otoridad ang may-ari ng restaurant.
MOST READ
LATEST STORIES