6 arestado sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Antipolo

Arestado ang anim na katao sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Antipolo City sa Rizal.

Unang nadakip ng mga tauhan ng Antipolo Police ang tatlong lalaki na naaktuhan sa kasagsagan ng drug session sa Barangay Mambugan.

Target ng operasyon si alyas Ogie na kilalang supplier ng shabu sa lugar.

Nakuha sa tatlo ang aabot sa 30 gramo ng hinihinalang shabu.

Sa hiwalay na operasyon sa Barangay San Isidro, Dalig, at Cupang, tatlong drug suspect pa ang nadakip.

Ayon kay Police Lt. Col. Villaflor Bannawagan mga opisyal ng barangay ang nagtimbre sa kanila hinggil sa ilegal na gawain ng mga suspek.

Read more...