ITCZ at Habagat nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Apektado pa rin ng Habagat ang dulong hilagang bahagi ng Luzon, habang apektado naman ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Southern Mindanao.

Para sa lagay ng panahon ngayong araw, sinabi ng PAGASA na maaliwalas na panahon pa rin ang mararanasan sa Luzon at Visayas at magkakaroon lamang ng isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Dahil naman sa ITCZ, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, SOCCSKSARGEN, at Davao Region.

Paalala ng PAGASA, ang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na mararanasan ay maaring magdulot ng flash floods o landslides.

Read more...