Metro Manila, Cavite uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa bahagi ng Metro Manila at Cavite sa susunod na mga oras.

Ayon sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 5:09 ng umaga, makararanas ng moderate hanggang heavy na pag-ulan sa Metro Manila at Cavite.

Pinapayuhan ang publiko na maging alerto dahil ang malakas na buhos ng ulan na mararanasan ay maaring makapgdulot ng flash floods sa mga bahaing lugar.

Muli namang maglalabas ng abiso ang PAGASA sa susunod na mga oras.

Read more...