Pagdami ng mga Chinese sa Pilipinas, ikinabahala

Ikinabahala ng ilang grupo ang paglobo ng mga turista at manggagawang Chinese sa bansa.

Sa datos ng Bureau of Immigration noong 2018, umabot sa 1,257,962 ang mga Chinese tourists na pumasok sa bansa.

Ito ay mahigit sa doble sa naitalang 490,841 noong 2015 bago maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Naging triple naman ang bilang ng mga Chinese na nabigyan ng alien employment permit (AEP) para makapag-trabaho sa Pilipinas ng hanggang 3 taon.

Ito ay umabot sa 33,516 noong nakaraang taon mula sa dating 9,109 lamang noong 2015.

Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), naapektuhan na ang ilang manggagawang Pilipino at maliliit na negosyo.

Nabatid na napipilitan ang ilang negosyo na ipaupa na lamang ang kanilang mga property sa mga Chinese na kayang magbayad ng mas mataas na renta.

Apela ng grupo sa gobyerno, tiyakin na hindi naaagawan ng trabaho ang mga Pinoy partikular ang mga nagtatrabaho sa construction.

 

Read more...