Lumagda ang 22 bansa sa United Nations Human Rights Council ng isang joint letter na bumabatikos sa pagtrato ng China sa ethnic Uighurs sa Xinjiang region.
Kabilang sa lumagda sa joint letter ay ang Britain, Canada at Japan.
Inaakusahan ang China ng UN experts at ng human rights groups ng pagkulong sa higit isang milyong Uighurs at Muslim sa Xinjiang.
Pero ayon sa China, ang Uighurs ay kasalukuyang tinuturuan sa “vocational training centres” na binuo para labanan ang extremism.
Ayon kay Human Rights Watch Geneva director John Fisher, layon ng joint letter na bigyan ng pressure ang China na ihinto ang teribleng pagtrato ng China sa mga Muslim sa Xinjiang.
Hindi lamang umano mahalaga ang joint statement para sa mga mamamayan ng Xinjiang kundi para sa lahat ng tao sa mundo na umaasa sa UN bilang tagapanggol kahit laban pa sa pinakamalalaking bansa.
Hinihimok ngayon ang China na payagan ang access sa Xinjiang ng UN at iba pang independent international observers.
Gayunman, hindi singbigat ng joint letter ang mga formal statement na binabasa sa council o ng isang UN resolution na isinusumite para pagbotohan.