Isinagawa ng Moriones Police Station Drug Enforcement Unit ang operasyon sa isang bahay na nagsisilbi umang one-stop-drug shop.
Nabilhan ng kanilang poseur buyer ng P500 halaga ng shabu ang mga target na sina alyas ‘Jennifer’ 38 anyos at alyas ‘Rey’ 54 anyos.
Matapos positibong makabili sa mga suspek, agad na sinalakay ng mga awtoridad ang bahay kung saan inaresto ang siyam pang indibidwal.
Nakuha mula sa mga suspek ang 13 plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at P20,000 halaga ng sinasabing drug money.
MOST READ
LATEST STORIES