Nakipagpulong si Tugade kay Tolentino sa Senado upang talakayin ang detalye ng panukala na binabalangkas ng senador.
Nais umano nilang dalawa na maging komprehensibo ang panukala at iprepresenta ito sa pangulo kapag malinaw na ang datos, mga detalye at ang mga proseso.
“It would be better if we present the bill to the President if the data, details and processes are clear already,” ani Tugade.
Sinabi pa nina Tugade at Tolentino na mapagaganda pa ang panukala kapag isinailalim na ito sa deliberasyon ng Senado at Kamara.
Naniniwala si Tolentino na ang traffic congestion sa Metro Manila at iba pang urban areas sa bansa ay isa nang ‘national emergency’ na nangangailangan ng agarang aksyon.
Sa ilalim ng panukalang emergency powers, si Tugade, sa ilalim ng direct supervision ng pangulo ay tatayong traffic crisis chief na magtatrabaho para mapabilis ang pagkumpleto sa transportation-related infrastructure projects, pagresolba sa right-of-way issues at pagpasok sa direct contracting at iba pang alternative modes ng procurement.