PGH pinayuhan ang mga pasyente na tumungo muna sa ibang ospital

Hinikayat ng Philippine General Hospital (PGH) ang publiko na sa ibang mga ospital muna tumungo para sa ilang serbisyong medikal.

Sa isang pahayag araw ng Miyerkules, sinabi ng PGH na kasalukuyang nagsasagawa ng renovation sa emergency room (ER) at intensive care units (ICU).

Dahil dito ay limitado umano ang kanilang kapasidad na tumanggap ng mga pasyente.

Ang PGH na isang government hospital ay nagseserbisyo sa 600,000 pasyente kada taon na kadalasan ay indigent patients.

 

Read more...