Kathryn at Alden ibinahagi ang sakripisyo para sa kanilang pelikula

Para sa kanilang pelikula ay may sakrispisyo sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ayon kay Alden, nabawasan ng hanggang 25 pounds ang kanyang timbang matapos siyang sabihan ni Direk Cathy Garcia-Molina na mataba umano siya.

Ang pahayag ng director ang nag-drive sa aktor para magbawas ng timbang.

Kinumpiska naman ni Molina ang cellphone ni Kathryn habang ginagawa nila ang “Hello, Love, Goodbye.”

Dahil dito ay nagtampo umano ang aktres sa kanilang director.

Naranasan naman ng dalawa na maging waitress at bartender dahil ang mga ito ang trabaho ng kanilang mga karakter sa pelikula.

Sina Kathryn at Alden ay gumanap bilang sina Joy Bernardo at Ethan Richards na mga overseas Filipino workers sa Hong Kong.

 

Read more...