3 Pinoy sasabak sa Pacquiao-Thurman undercard

Tatlong Pilipinong boksingero ang lalaban sa undercard ng sagupaan nina Manny Pacquiao at Keith Thurman sa July 20 sa Las Vegas.

Kabilang sa Pacquiao-Thurman undercard ang wala pang talong Filipino-American fighter na si John Leo Dato ng Santa Maria California.

Makakasagupa naman ni Genisis Libranza si Carlos Maldonado.

Mula noong nakaraang buwan ay nagsasanay si Libranza kasama ng Team Pacquiao.

Samantala, matapos matalo sa laban ni Pacquiao noong Enero, balik ring si JayAr Inson kontra sa beteranong si Mahonri Montes ng Mexico.

 

Read more...