Natalo ni Tee, dating host ng “Wowowin,” ang nasa 39 kandidata sa idinaos na beauty pageant sa The Cove Manila sa Parañaque City, Miyerkules ng hapon.
Narito naman ang ilang kandidata na nanalo bilang runner-up:
– Karen Nicole Piccio mula sa Maasin, Iloilo bilang Miss Philippines Ecotourism
– Ana Monica Tan mula sa Tagoloan, Misamis Oriental bilang Miss Philippines Air
– Chelsea Fernandez mula sa Tacloban, Leyte bilang Miss Philippines Water
– Alexander Marie Dayrit mula sa Marikina bilang Miss Philippines Fire
Samantala, unang sumali si Tee sa naturang beauty pageant taong 2014.
Si Tee ang magiging pambato ng Pilipinas para sa Miss Earth competition sa buwan ng oktubre ngayong taon.