Magnitude 3.7 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Phivolcs photo

Yumanig ang magnitude 3.7 na lindol sa Davao Occidental, Miyerkules ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro sa 153 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos bandang 6:49 ng gabi.

May lalim ang lindol na 36 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...