Ito ay matapos ang isinagawa nitong inspeksyon sa Lacson Underpass sa bahagi ng Quiapo.
Personal na namataan ng alkalde na dalawa sa 20 tindahan ay walang business permit.
Giit ng mga tindero, nasa administrasyon ng Victory Mall ang kanilang business permit.
Sa isang press conference, sinabi ni Moreno na idadamay ang mga mall dahil maituturing silang sangkot sa pagkukunsinti sa ilegal na pagbebenta o ilegal na transaksyon sa lugar.
Titignan din aniya ng pamahalaang lokal ng Maynila ang record ng Commission on Audit (COA) para mahuli ang mga ito.
Nagsabi naman si Moreno na bibigyan ng huling pagkakataon ang mga tindero na makakuha ng permit para legal na makapagbenta.