Mag-ama, timbog matapos mahulihan ng mga armas sa Zambales

Naaresto ang mag-ama makaraang mahulihan ng mga armas sa San Narciso, Zambales Miyerkules ng madaling-araw.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng pulisya ang bahay nina Richard Santos at anak nitong si Richie sa Barangay La Paz bandang 5:45 ng madaling-araw.

Nakuha sa dalawa ang caliber 38 na revolver na kargado ng 4 na bala, ilang basyo ng bala at isang unit ng converted caliber 22 rifle.

Dahil dito, mahaharap ang mag-ama sa kasong paglabag sa comprehensive law on firearms and ammunition.

Read more...