Pagbibigay ng trabaho ng gobyerno, bubusisiin ni Recto

Inanunsiyo na ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na sa pagbusisi ng Senado sa proposed 2020 national budget ay sisiyasatin ang ginagawang pagkuha ng gobyerno ng mga kawani.

Interesado si Recto na malaman ang dahilan nang pagkaantala sa mga karagdagang kawani.

Aniya, makapagpatayo man ng mga ospital at eskuwelahan kung wala naman mga nurse at teacher ay hindi rin mapapakinabangan nang husto ang mga imprastraktura.

Binanggit nito na ang mga inilaang bilyun-bilyon pisong pondo para sa pagkuha ng mga bagong pulis, bumbero, jail officers, doktor, medical at health personnel.

Aniya, batid naman niya na ang pagkuha ng mga karagdagang kawani ay naantala dahil sa red tape, kakulangan ng mga kuwalipikadong aplikante at delay sa pagpapalabas ng pondo.

Banggit pa nito, noong nakaraang taon, ang mga bakanteng posisyon sa mga ahensiya ng gobyerno ay higit 246,000.

Read more...