Pilipinas, dapat maghanda sa isyu sa West Philippine Sea – Gordon
By: Jan Escosio
- 5 years ago
Inihayag ni Senator Richard Gordon na dapat ay regular ng magpulong ang National Security Council ukol sa mga isyu tungkol sa West Philippine Sea.
Aniya, dapat isama sa pulong ang mga kilalang eksperto sa foreign policy at defense.
Ayon kay Gordon, dapat ay pinaghahandaan na ng Pilipinas ang lahat ng mga posibilidad na mag-uugat sa agawan ng teritoryo.
Dagdag nito, dapat ay tinatalakay na ng security officials ang sitwasyon para mapaghandaan ang mga maaring mangyari.
Nag-ugat ang posisyon na ito ni Gordon sa insidente sa Recto Bank noong Hunyo 9 kung saan 22 Filipinong mangingisda ang inabandona sa karagatan ng mga sakay ng isang Chinese vessel.
Una nang sinabi ng senador na dapat tanging ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) lang ang maaring magsalita kapag may isyu ukol sa West Philippine Sea.