Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Tourism Assistant Secretary Roberto Alabado na ito ay dahil sa agresibong kampanya na inilunsad ng DOT.
Malaki aniya ang increase ng mga turista mula sa Europa, China at Korea ngayong taon.
Katunayan, sinabi ni Alabado na nitong May 2019 lamang, nakapagtala ang DOT ng record setting month kung saan umabot sa mahigit 621,000 na turista ang nagtungo sa bansa o 15.62 percent na mas mataas sa 537,000 na naitala noong May 2018.
Ayon kay Alabado, umabot sa 7.1 milyong dayuhang turista ang nagtungo sa bansa noong nakaraang taon kahit na anim na buwang isinara ang Boracay island.