DOT, target na maging host ang Pilipinas sa UN World Tourism General Assembly

Humihirit ang Department of Tourism (DOT) kay Pangulong Rodrigo Duterte na makapag-host ang Pilipinas sa United Nations World Tourism General Assembly sa taong 2021.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Tourism Assistant Secretary Roberto Alabado na bukod sa naturang pagpupulong, tinatarget din ng DOT na maging host sa World Travel and Tourism Council Global Summit na gaganapin sa parehong taon.

Ayon kay Alabado, kapag nasungkit ang hosting job, maipakikita ang magagandang tanawin at kultura ng Pilipinas.

Tiyak aniyang makakaakit ito ng turismo sa bansa.

Itinutulak din aniya ng DOT ang farm tourism.

Ayon kay Alabado, sa ngayon, positibo naman ang tugon ni Pangulong Duterte sa hirit ng DOT.

Read more...