Walang patunay na may kinalaman ang teroristang grupong ISIS sa kambal na pagsabog sa bayan ng Indanan, Sulu noong June 28, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa joint press conference ng PNP at Armed Forces of the Philippines (PNP), sinabi ni PNP spokesperson PCol. Bernard Banac na ito ay gawa lamang ng lokal na terorista ng bansa.
Wala aniyang dapat ikabahala ang publiko sa nangyaring pagsabog sa Sulu dahil ito ay isang isolated case lang.
Mas pinalakas at pinaigting pa aniya ng PNP ang intelligence monitoring kontra sa mga terorista para hindi na maulit ang nangyaring pagsabog sa Sulu lalo na sa Metro Manila.
Dagdag pa ni Banac, base sa resulta ng kanilang imbestigasyon sa pagsabog sa Jolo Cathedral at Indanan, Sulu ay lumalabas na sangkot ang Abu Sayyaf Group (ASG).
Inamin din ni Banac na isa itong malaking hamon sa hanay ng PNP at AFP para mapanatili ang kapayapaan sa buong bansa.