Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, ito ay bunsod ng kabiguan ng water concessionaire na sumunod sa obligasyon sa ilalim ng Concession Agreement.
Hindi kasi nakapagbigay ng tuluy-tuloy na serbisyo ng tubig ang Maynilad sa Barangay Captain Albert Aguilar.
Mahigit 15 araw nawalan ng suplay ng tubig ang kanilang mga consumer sa nasabing lugar.
Dahil dito, makatatanggap ng rebate ang mga apektadong consumer ng P2,500.
Ibabawas ito sa kanilang water bill simula sa buwan ng Agosto.
Maliban sa Maynilad, pinagmumulta rin ng MWSS-RO ang Manila Water para magbigay ng P2,197 na rebate sa mga apektadong consumer ng water service interruption sa east concession area.