Dimples Romana, makakasama sina Vice Ganda at Anne Curtis sa bagong pelikula

Magkakasama sina Dimples Romana, Vice Ganda at Anne Curtis sa isang pelikula.

Sa Instagram, nag-post ang aktres ng larawan ng story conference ng pelikula, araw ng Martes.

Hindi nakadalo si Dimples dahil hindi tugma ang kanilang mga iskedyul.

Gayunman, sinabi ni Dimples na ikinagagalak niyang maging bahagi ng aniya’y ‘Unkabogable movie’ kasama ang iba pang aktor.

Nagsilbi namang proxy sa story conference ang standee ng kaniyang karakter na si Daniela Mondragon mula sa teleseryeng “Kadenang Ginto.”

Samantala, sa hiwalay na post, inanunsiyo ng Viva Artists Agency na makakasama rin sa pelikula sina Tony Labrusca, Chad Kinis, MC at Lassy.

Read more...