Alden Richards, welcome sa pagtatambal nina Maine Mendoza at Carlo Aquino sa isang pelikula

Welcome kay Alden Richards na makatambal ng kaniyang partner sa “AlDub” love team na si Maine Mendoza ang aktor na si Carlo Aquino sa isang pelikula.

Sa press conference ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye,” sinabi ni Alden na masaya siyang lumalawak ang karanasan sa pag-arte ni Maine kasama ang ibang aktor.

Inamin pa ni Alden na naibabahagi ni Maine na may mga pagkakataong nahihirapan pa siya sa pag-arte.

Dahil dito, todo-suporta naman aniya siya kay Maine lalo na sa mga proyekto na magkasama sila.

Samantala, nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang “Hello, Love, Goodbye” nina Alden at Kathryn Bernardo sa July 31, 2019.

Hindi pa naman inaanunsiyo ang release date ng pelikulang “Isa Pa With Feelings” nina Maine at Carlo Aquino. /

 

Read more...