M3.7 na lindol, yumanig sa Sultan Kudarat

Tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa Sultan Kudarat, Miyerkules ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 34 kilometers Southwest ng Kalamansig bandang 12:57 ng tanghali.

May lalim ang lindol na 44 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

 

Read more...