Endorsement ng pangulo sa susunod na speaker suportado ng mga mambabatas na kaalyado ni Leyte Rep. Romualdez

Suportado ng mg kaalyadong kongresista ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang naging pag-endorso ni Pangulong Duterte sa susunod na house speaker.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, napagkasunduan nilang 72 mga mambabatas na nagtutulak sa speakership ni Romualdez na sundin ang pagpili ng pangulo kay Taguig Rep. Alan Cayetano bilang speaker.

Wala anyang reservation ang naging pagsang-ayon ng kanilang grupo sa pangulo.

Kaugnay nito, hiniling naman nila sa incoming majority leader na si Romualdez na magkaroon ng maayos na relasyon sa kay Cayetano.

Dahil anya sa bagong liderato ng Kamara handa na ito maibigay ang efficient at epektibong mga panukala para sa bansa.

Maari na rin anyang maipagpatuloy ang pagsuporta sa programa ng administrasyon para mapanatili ang magandang ekonomiya ng bansa.

Naniniwala din anya sila na abilidad ng speaker upang makatuwang ng pangulo para sa pagpapaunlad ng Pilipinas.

Read more...