Dalawang nagpanggap na seaman hinarang sa NAIA

Inquirer file photo
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang dalawang lalaking nagpanggap na seaman para makaalis ng bansa.

Hinarang sa NAIA Terminal 3 ang dalawa na pasakay sana ng Cathay Pacific Flight patungong Hong Kong at Dubai.

Ayon kay Immigration Ports Division chief, Grifton Medina, natuklasang peke ang mga dokumentong hawak ng dalawa.

Kabilang sa pineke ang kanilang overseas employment certificate o OEC, seaman’s book at letters of guarantee mula sa kanilang shipping agent.

Aminado naman ang dalawa na nagbayad sila ng P5,000 para sa mga pekeng dokumento.

Read more...