Stampede naganap sa isang paaralan sa Davao City matapos lumindol; 70 estudyante ang nahilo

Aabot sa 70 estudyante ang kinailangang lapatan ng lunas matapos mahilo at ang iba ay mahimatay nang maramdaman ang malakas na pagyanig sa Davao City, Miyerkules (July 10) ng umaga.

Ayon kay Davao City Police Office Dir. Alex Tagum, ilan sa mga mag-aaral ang kinailangang dalhin sa ospital.

Nag-panic umano ang mga estudyante at nagkaroon ng stampede sa Crossing Bayabas National High School sa Brgy. Toril.

Ito ay matapos tumama ang magnitude 4.9 na aftershock bago mag alas 9:00 ng umaga.

Dahil sa stampede, maraming estudyante ang naipit at nahirapang huminga.

Wala namang nagtamo ng malubhang pinsala bunsod ng stampede.

Read more...