Nasabat ang mga sigarilyo mula sa mga barkong MV Mama Mia, MV Mary Joy 1 at Asian Star II.
Ang mga barko ay galing sa Jolo, Sulu at papunta sa Zamboanga City Miyerkules (July 10) ng madaling araw.
Agad naman naiturnover ng PCG sa Bureau of Customs ang mga sigarilyo na may iba’t-ibang brand.
Ayon sa Customs Collector na si Segundo Sigmundfreud Barte Jr., inilagay sa iba’t-ibang lalagyan ang mga sigarilyo para hindi mahalata.
Ang iba ay ipinasok sa karton na may tubig at yelo para magmukhang isda ang laman habang may isinilid din sa loob ng maleta upang magmukhang mga damit at gamit.
Sinabi naman ng isang alyas Midzfar na may dala ng dalawang maleta na naglalaman ng sigarilyo, nabili niya ang mga ito sa Jolo, Sulu at ibebenta sana niya sa Zamboanga sa halagang P14,000.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang may-ari ng iba pang nakumpiskang mga sigarilyo.