Tarlac at Bataan uulanin ayon sa PAGASA

Makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang Tarlac at Bataan sa susunod na 2 oras.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 9:55 ng umaga, moderate hanggang heavy na pag-ulan ang mararanasan sa dalawang lalawigan.

Ganitong lagay din ng panahon ang nararanasan na sa Zambales.

Payo ng PAGASA maaring magkaroon ng flash floods sa nasabing mga lugar sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Read more...