WATCH: Official trailer ng live-action na “Dora and the Lost City of Gold” inilabas

Ipinasilip na ng Paramount Pictures ang bago at official trailer ng live-action “Dora and the Lost City of Gold”.

Sa bagong trailer makikita na rin ang popular sa cartoon series na si “Swiper the Fox”.

Sa pelikula, kakaibang adventure ang kakaharapin ni Dora na ginagampanan ni Isabela Moner kasama ang kaniyang kaibigan na si Boots (Danny Trejo) at pinsan niyang si Diego (Jeffrey Wahlberg).

Kailangan kasing iligtas ni Dora ang kanyang magulang at ma-solve ang mysteryo sa likod ng lost city of gold.

Mapapanood ang “Dora and the Lost City of Gold” sa buwan ng Agosto.

Read more...