Magnitude 4.9 na aftershock naitala sa Makilala, North Cotabato

Sunud-sunod na aftershocks ang nararamdaman sa North Cotabato matapos ang magnitude 5.6 na lindol Martes (July 9) ng gabi na ang sentro ay sa bayan ng Makilala.

Alas 8:56 ng umaga ng Miyerkules, July 10, naitala ang malakas na magnitude 4.9 na lindol.

Ang sentro ng pagyanig ay naitala sa 11 kilometers northeast ng Makilala.

Naitala ang Intensity V sa Kidapawan City bunsod ng nasabing lindol.

Naitala naman ang instrumental Intensity II sa Tupi, South Cotabato at Intensity I sa Alabel, Sarangani at Cagayan De Oro City.

Read more...