Ayon kay Romero, ito ay kahit pa naitsapwera nila si Cayetano sa listahan ng kanilang pinagpipilian sa speakership.
Kabilang sa hiling ng Party-list Coalition ay mabigyan sila ng 20% sa mga matataas na posisyon sa Mababang Kapulungan.
Sa katunayan, sinabi nina Abono Party-list Rep. Conrad Estrella at 1PACMAN Party-list Rep. Enrico Pineda na una pa man ay pinadala sila ng partido para kausapin si Cayetano at bukas ito sa 20% allocation ng mga posisyon sa 15 Chairmanship.
Sa nagdaang 17th Congress ay nasa 12% lamang ang mga naibigay na posisyon para sa Party-list.
Ipinagmalaki pa ni Romero na malaki ang komposisyon ng mga Party-list Congressmen na nasa 20% sa kabuuang 304 na bilang ng mga kongresista ngayong 18th Congress.