Pangulong Duterte may pinatay dahil pakiramdam niya daw ay gustong ipapatay ni dating Pangulong Arroyo

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang pinatay na tao dahil pakiramdam nya ay gustong ipapatay ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa appreciation dinner para kay Arroyo, sinabi ng pangulo na walang utos sa kanya ang dating pangulo kundi kusa niyang ginawa na lamang.

Agad naman na nagtawanan ang audience sa naging pahayag ng pangulo.

Ayon sa pangulo, bilib siya kay Arroyo dahil sa matapang at malakas na pamumuno sa bansa.

Dagdag ng pangulo, hard to deal si Arroyo lalo na kung nagagalit.

May mga pagkakataon aniya na noong mayor pa siya ng Davao na tinatawagan siya ni Arroyo ng dis oras ng gabi para humingi ng payo.

Pero ayon sa pangulo, trabaho lang at naiintidihan nya si Arroyo.

Read more...