Malinis na mula sa anumang obstructions, mapa-vendor o illegally parked vehicles ang harapan ng palengke at ang kalsada ay malaya nang nagagamit ng mga motorista at pedestrian.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Belmonte na ang mga napaalis na illegal vendors ay tutulungang mabigyan ng legal na pwesto sa loob ng palengke at handa ang lokal na pamahalaan na ilibre ang renta nila para sa unang mga buwan.
Maliban dito, aalukin din sila ng livelihood program para magkaroon sila ng ibang pagkakakitaan.
Maliban sa Balintawak, nililinis din sa mga vendor at mga ilegal na nakaparadang sasakyan ang iba pang mga pangunahing kalsada sa Quezon City.