Ayon sa Philippine Coast Guard, nagliyab ang motor vessel na Trans Asia 1 na pag-aari ng Trans Asia Shipping Lines.
Nagsimula ang sunog alas 3:48 ng madaling araw na agad nirespondehan ng mga tauhan ng Bureau of fire Protection (BFP).
Naideklarang under control ang sunog dakong alas 7:18 ng umaga.
Ayon sa Coast Guard Environmental Protection base sa kanilang inspeksyon wala namang banta ng oil spill matapos ang insidente.
Isa naman sa 36 na crew ng barko ang nagtamo ng minor injury sa kaniyang ulo na agad nalapatan ng lunas.
Base sa pahayag ng mga crew sa galley air blower ng barko nagsimula ang apoy.
MOST READ
LATEST STORIES