Dumaong ang barkong lulan ang 4,053 piraso ng riles sa Harbour Centre Port Terminal sa Maynila kahapon (July 9).
Mula sa Port of Manila, ihahanda na para sa installation ang Japanese-made na mga riles na may habang 18 metro bawat isa sa Tracks Laydown Yard malapit sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Sa sandaling dumating na sa bansa ang iba pang rail parts sa buwan ng Oktubre, masisimulan na sa Nobyembre ang pagpapalit ng riles sa kahabaan ng MRT-3 mainline.
Ang pagpapalit ng riles ay gagawin tuwing non-operating hours ng tren. para hindi maapektuhan ang serbisyo ng MRT-3.
Kapag naikabit na ang mga bagong riles ay inaasahang mababawasan ang tagtag ng mga bagon na ikinasisira ng mga eletrical at mechanical component na pangunahing sanhi ng train breakdown.