Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pag-iral ng yellow alert ay mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.
Mayroong available capacity ng kuryente sa Luzon na 11,286MW habang aabot sa 10,698MW ang peak demand.
Hindi naman inaasahan ang pagkakaroon ng rotational brownout bunsod ng yellow alert.
Pero pinapayuhan ang publiko na magtipid-tipid sa paggamit ng kuryente.
MOST READ
LATEST STORIES