Lalaki arestado sa operasyon kontra ilegal na droga sa QC

Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City.

Ayon sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), target ng operasyon si alyas Ching na 44 anyos.

Galing pa umano sa Sta. Cruz, Maynila ang suspek at dumadayo pa sa Brgy. San Martin De Porres sa Cubao para magbenta doon ng ilegal na droga.

Dinakip ang suspek makaraang positibong mabilihan ng P500 halaga ng shabu.

Nakumpiska sa kaniya ang 12 na sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa P13,000 ang halaga.

Read more...