Drug pusher patay sa engkwentro sa Laguna

Patay ang isang tulak ng droga matapos mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation ng pulisya sa Siniloan, Laguna.

Kinilala ang suspek na si Jonathan Belmonte, residente ng Bay, Laguna.

Nakatakas ang kasamahan ni Belmonte na nakilala sa alyas na ‘Jondi’.

Ayon sa Siniloan Police Station, ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek sa tulong ng Drug Enforcement Unit (RDEU) ng Laguna Provincial Police at PDEA-Region 4-A.

Habang isinasagawa ang bentahan ay nakatunog umano si Jondi na pulis ang kanilang katransaksyon kaya bumunot ng baril si Belmonte at pinaputukan ang mga awtoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi agad ng suspek.

Nakatakas naman si Jondi sakay ng isang motorsiklo.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 na baril.

 

Read more...