2 arestado sa anti-drugs operation sa Naga City

Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa operasyon sa Naga City Martes ng hapon.

Ayon kay Major Maria Luisa Calubaquib, Bicol Police Spokesperson, timbog si Francis Bucay at ang kapatid nitong si Ranel Romeo sa operasyon sa Barangay Tabuco alas 3:20 ng hapon.

Nakuha sa magkapatid ang dalawang plastic bag na naglalaman ng 25 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

Nakakulong na ang mga suspek sa Naga City Jail.

Nakatakdang sampahan ang dalawa ng kasong illegal possession and trading of illegal drugs.

 

Read more...