Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay sa Kanluran ng bayan ng Makilala.
Tectonic ang pagyanig na may lalim na 14 kilometers.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V – Makilala, North Cotabato; Kidapawan City; Koronadal City; Santa Cruz, Davao Del Sur;
Intensity IV – Davao City; Polomolok, Tupi, Tampakan, Sto. Nino, Tacurong City & Quirino, Sultan
Kudarat; Glan, Malungon, Sarangani
Intensity III – General Santos City; Kiamba, Sarangani;
Intensity II – Cotabato City; Nabunturan, Compostela Valley
Instrumental Intensities:
Intensity V – Kidapawan City
Naiulat ang ilang pinsala sa mga ari-arian at istraktura at inaasahan naman ang mga aftershocks kasunod ng malakas na lindol.
Hanggang alas 9:01 ng gabi ay mayroon nang naitalang 12 aftershocks ang magnitude 5.6 na lindol.